Dành cho bạn
Chủ đề
#writing#
0 người tham gia

Bài đăng dành cho bạn

💎Nuggets🌟3
3年前
Hindi ako natakot noong nawala ka. Kinaya ko pa ring ngumiti bago ka magpaalam. Hindi kitá hinabol. Hindi ako nagmakaawa. Hindi rin ako nagtago sa ilalim ng kama. Hindi ako sumiksik sa pagitan ng mga unan. Walang pangangatog ng tuhod. Hindi ako natakot na bumalik sa pag-iisa noong nawala ka. Marahil, ang sasabihin mo sa akin ay matapang ako dahil kinaya ko. O, ‘di kaya, iisipin mong hindi kitá totoong minahal. Pero ang totoo, hindi ako natakot noong nawala ka dahil sinanay mo ako bago ka mang-iwan. Lumamig ang kapeng itinimpla ko para sa ‘yo. Hindi mo isinuot ang kamisetang iniregalo ko noong Kaarawan mo. Hindi mo ako nagawang ihatid at sunduin nang walong beses. Naghintay ako sa restawran nang limang oras. Hindi ka dumating. Nasanay ako sa katiting na pag-ibig. Hinayaan ko na lang. Hindi ko na pinilit na ayusin. Hinayaan ko lang kung hanggang saan ang kakayanin ng iyong pananatili. Ang mahalaga, kahit isang beses ay pinili mong manatili. Kayâ oo, hindi ako natakot dahil alam ko rin mismo na aalis ka. Hindi mo ako iniwan nang biglaan. Hindi mo ako iniwan nang ganoon lang. Kayâ noong araw na lumisan ka, hindi na ako nagtaka. Hindi rin ako nagtanong. Nginitian pa nga kitá habang pinanunuod ko ang bawa’t mong paghakbang. Hindi ako natakot, Mahal. At hindi ako matatakot kung sakaling dumating ang araw na babalik ka para mag-iwan lang ulit ng mga sugat. Hindi ako magugulat o magtataka. At lalong hindi na ako manlilimos ng pagmamahal dahil mas matapang na ako ngayon para tanggapin na hindi talaga táyo ang nakatadhana para sa isa’t isa, Mahal. ---- #LesParkTalent# #writing#LesParkTalent#Spoken#
R-bie: 👏👏👏👏👏👏👍👍👍👍👍👍
Bình luận
Gửi
💎Nuggets🌟3
3年前
Nakaabang na ang pangalawang paalam. Hindi pa man nabibigyan ng wakas ang una ay nandito na naman táyo sa dulo—panibagong sugat. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nangangako táyong dalawa na aayusin natin ang istoryang nagkalamat na ay mas lalo lang táyong pinaglalayo ng tadhana. Ang sakit... Ang sakit isiping palagi táyong nauuwi sa mga patawad at paalam. Para bang wala na táyong ibang mabanggit kun’di “salamat at sana napasaya kita”. Kung puwede lang sigurong dayain ang oras at ang nakatadhana, bakâ naisalba pa natin ang pagmamahal. Pero ito na ang wakas. Papunta na naman táyo sa pahimakas. Parang ito na lang tadhana nating dalawa—ang pagtagpuin para lang magpalitan ng paalam. Paano ba kasi ang magmahal nang walang nasasaktan? Paano ba natin mahahagkan ang ligaya nang walang dumadamping sugat? ---- ✍︎ Writer NM#LesParkTalent# #writing#LesParkTalent#Spoken#
💎Nuggets🌟3: Kuya DG😍😍😍
Bình luận
Gửi
funnyface
3年前
One day A walk in the park You beside me I smiled as I make you laugh Your smiling eyes I wish I can look at forever Falling for you? I am already in love with you #randomthoughts# #randomwrites#randomthoughts#writing#randomthoughts#lonetree#randomwrites#love#
Bình luận
Gửi
funnyface
4年前
There is something I want to tell you Words that I kept bottled up Feelings that only I know Thoughts that is always about you Where to start What to stay I am just lost for words I hope someday You will know You can feel The melody, the lyrics That my heart is singing for you #love# #missing#love#writing#
Bình luận
Gửi
Jha
5年前
spending time with these.. #writing #playing #reading
Bình luận
Gửi
Julie
5年前
Writing my book 🥰 #writing #nextchapter #nextchapter #clarke #nextchapter #lovewritingsomuch
Bình luận
Gửi
rrr
128
六六六六7205你你你成
201
两下
608
Spazz리코
5年前
Vacation and beautiful scenery always gets me in the mood to write #writing# # #
Bình luận
Gửi
Không còn nữa