#writing#
0 人參與
推薦動態
Hindi ako natakot noong nawala ka.
Kinaya ko pa ring ngumiti bago ka magpaalam. Hindi kitá hinabol. Hindi ako nagmakaawa. Hindi rin ako nagtago sa ilalim ng kama. Hindi ako sumiksik sa pagitan ng mga unan. Walang pangangatog ng tuhod. Hindi ako natakot na bumalik sa pag-iisa noong nawala ka.
Marahil, ang sasabihin mo sa akin ay matapang ako dahil kinaya ko. O, ‘di kaya, iisipin mong hindi kitá totoong minahal. Pero ang totoo, hindi ako natakot noong nawala ka dahil sinanay mo ako bago ka mang-iwan. Lumamig ang kapeng itinimpla ko para sa ‘yo. Hindi mo isinuot ang kamisetang iniregalo ko noong Kaarawan mo. Hindi mo ako nagawang ihatid at sunduin nang walong beses. Naghintay ako sa restawran nang limang oras. Hindi ka dumating. Nasanay ako sa katiting na pag-ibig. Hinayaan ko na lang. Hindi ko na pinilit na ayusin. Hinayaan ko lang kung hanggang saan ang kakayanin ng iyong pananatili. Ang mahalaga, kahit isang beses ay pinili mong manatili.
Kayâ oo, hindi ako natakot dahil alam ko rin mismo na aalis ka. Hindi mo ako iniwan nang biglaan. Hindi mo ako iniwan nang ganoon lang. Kayâ noong araw na lumisan ka, hindi na ako nagtaka. Hindi rin ako nagtanong. Nginitian pa nga kitá habang pinanunuod ko ang bawa’t mong paghakbang. Hindi ako natakot, Mahal.
At hindi ako matatakot kung sakaling dumating ang araw na babalik ka para mag-iwan lang ulit ng mga sugat. Hindi ako magugulat o magtataka. At lalong hindi na ako manlilimos ng pagmamahal dahil mas matapang na ako ngayon para tanggapin na hindi talaga táyo ang nakatadhana para sa isa’t isa, Mahal.
----
#LesParkTalent# #writing#LesParkTalent#Spoken#
R-bie: 👏👏👏👏👏👏👍👍👍👍👍👍
Nakaabang na ang pangalawang paalam.
Hindi pa man nabibigyan ng wakas ang una ay nandito na naman táyo sa dulo—panibagong sugat. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nangangako táyong dalawa na aayusin natin ang istoryang nagkalamat na ay mas lalo lang táyong pinaglalayo ng tadhana.
Ang sakit...
Ang sakit isiping palagi táyong nauuwi sa mga patawad at paalam. Para bang wala na táyong ibang mabanggit kun’di “salamat at sana napasaya kita”.
Kung puwede lang sigurong dayain ang oras at ang nakatadhana, bakâ naisalba pa natin ang pagmamahal. Pero ito na ang wakas. Papunta na naman táyo sa pahimakas. Parang ito na lang tadhana nating dalawa—ang pagtagpuin para lang magpalitan ng paalam.
Paano ba kasi ang magmahal nang walang nasasaktan? Paano ba natin mahahagkan ang ligaya nang walang dumadamping sugat?
----
✍︎ Writer NM#LesParkTalent# #writing#LesParkTalent#Spoken#
💎Nuggets🌟3: Kuya DG😍😍😍
One day
A walk in the park
You beside me
I smiled as I make you laugh
Your smiling eyes
I wish I can look at forever
Falling for you?
I am already in love with you
#randomthoughts# #randomwrites#randomthoughts#writing#randomthoughts#lonetree#randomwrites#love#

There is something
I want to tell you
Words that I kept bottled up
Feelings that only I know
Thoughts that is always about you
Where to start
What to stay
I am just lost for words
I hope someday
You will know
You can feel
The melody, the lyrics
That my heart is singing for you
#love# #missing#love#writing#

Writing my book 🥰
#writing #nextchapter #nextchapter #clarke #nextchapter #lovewritingsomuch

沒有更多了